Study Tour in Thailand Slideshow: Gina’s trip from Quezon City, National Capital Region, Philippines to 2 cities Bangkok and NAIA (near Cavite, Luzon) was created by TripAdvisor. See another Thailand slideshow. Create a free slideshow with music from your travel photos.
Ako Bilang Impulsive Buyer
ReplyDeleteMarami na akong naging karanasan sa pagiging "impulsive buyer". Tulad na lang noong pumunta ako isang araw sa mall, may nagustuhan akong isang bagay na gusto kong bilhin ngunit wala akong sapat na perang dala kaya ang ginawa ko ay itinira ko na lang ang aking pamasahe pauwi at isinakripisyo ko ang perang pangkain ko sana at nangutang din ako sa aking kasama, pagtapos nun ibinili ko yung bagay na yun na pinakanagustuhan ko. Ngunit nang lumipas na ang mga araw, yung bagay na ibinili kong iyon ay pinagsawaan ko na at ipinamigay na lamang. Meron ding pagkakataon na nadadala ako sa mga anunsyo sa telebisyon kaya napapabili din ako upang gayahin yung artistang iyon. Sa damit naman, napabili ako dati kahit di ko naman kailangan dahil na-attract ako dun sa kulay niya kasi ang cute nito, kaya nung paguwi ko sa bahay pinagsisihan ko nung binili ko yung damit e mayroon pa pala akong mas kailangan na bilhin.
Naging impulsive buyer ako dahil madali akong maatract sa mga bagay na maganda sa paningin, minsan nadadala rin ako sa mga anunsyo ng produkto. Nagdulot ito ng masamang epekto sa aking sarili. Una, hindi ako naging matipid sa pera, naging pala gasta ako sa mga bagay na hindi ko naman kailangan, at naging maaksaya ako. May masama ring epekto ito sa ating kapaligiran, kapag bumili ka ng produkto at itinapon mo na lamang ito kapag wala na o sira na, nakakadagdag ito sa mga basura sa Pilipinas at kapag maraming basura, madaragdagan ang polusyon sa ating bansa. Isa pa, hindi matututo ang mga taong mag recycle ng mga bagay at maging malikhain.
Ang pagiging "impulsive buyer" ay hindi nakapagdudulot ng kabutihan sa atin lalo na sa kalikasan. Kaya maging matalinong konsyumer upang walang pinagsisisihan. Kaya ako, bilang isang matalinong konsyumer ako ay magtitipid, magrerecycle at magiging malikhain. Sa paraan na yan maiiwasan mong maging "impulsive buyer". Be A Smart Buyer Not An Impulsive Buyer. :)
Ako Bialng isang "Impulsive buyer"
ReplyDeleteMay mga karanasan na din ako sa agiging "impulsive buyer". tulad ng pumunta ako sa isang kilalang branded tshirts store at dito ay may nakita ako at aking nagustuhan. pinagipunan ko iyon tinitipid ko ang ang sarili para lang makapag ipon para mabili lang yun.
Naging "Impulsive Buyer" ako sa kadahilanan na ito ay nakaka attract at bago sa paningin at sa sabi sabi ng iba. Nagdulot ng masama sa akin naging magastos ako sa bagay na hindi naman kelangan at hindi naging matipid. Masama ang epekto neto sa kapaligiran, pag tayo ay may mga luma na bagay o damit io'y ating tinatapon lamang at ito ay nkakadagdag basura lang, na pwede naman ibigay ang mga pwede pang pakinabangan na gamit at ibigay sa mga nangangailangan nito tulad ng mga amilya na nakatira lamang sa kalye.
Ang Pagiging "Impulsive buyer" ay hindi nagdudulot na maganda sa atin kundi sa iba rin. Kaya bialang isang magaling na konsyumer matuto tayong magtipid at i prioritized ang mga bagay na atin lamang na kaylangan.
Ako Bilang Isang ""Impulsive Buyer""
ReplyDeleteAng karanasan ko bilang isang Impulsive buyer ay nang napabili ako ng isang produkto na napanood ko lang sa TV, kya ko iyon binili dahil ako ay na attract sa angking ganda ng produktong ito, Sa mga sumunod na araw ay napag isip-isip ko na dapat ko palang inuna ang mga pangunahing pangangailangan at isahuli nalang ang mga d pa nmn kinakailangan sa kasalukuyan.
kailangan natin maging isang matalinong konsumer dahil ang isang matalinong konsumer ay nakakatutulong sa ating ekonomiya upang umunlad ito,kung tayo naman ay magiging isang "Impulsive Buyer" hindi nmn sa hindi nakakatulong sa atin, nakatutulong din naman ito saatin kaya lang d katulad ng isang pagiging "Matalinong Konsumer" na tayo ay nakakapag-ipon ng pera at nakatutulung satin ang ating mga binibili. Ang "Implulsive Buyer" ay pagiging maaksaya o gastos ng gastos kahit hindi nmn kinakailangan.
Hindi maganda maging isang "Impulsive Buyer" dahil kung ikaw ay may pamilya na kinakailangang mag-ipon ng pera upang maitaguyod ang inyong pamilya.
Kinakailangan nating maging isang "Matalinong Konsumer" dahil dapat tayong magTipid,maRecycle at kailangan ding hindi maging isang "Impulsive Buyer" dahil pag-aaksaya lang ito
Charles Patrick SOriano
IV-LUNA
ako bilang Impulsive Buyer.
ReplyDeletenarararpat nating suriing mabuti sa ating sarili na ang bagay na ating bibilhin ay pangunahing pangangailangan natin o ating lamang gusto at hindi nmn masyadong ankop sa ating pang araw-araw na gawain,
higit sa lahat tingnan natin o suriin nating mabuti kung ang produkto na ating bibilhin ay nasa ayos o magandang dekalidad sa pagkat maaari itong maka apekto o makasira sa ating sarili pati narin sa iba kung hindi dekalidad ang ating ma bibili sa merkado.
karapatan nating pumili, magtanong o magsuri sa bagay bagay bilang isang impulsive buyer.
MERVIN NATIVIDAD NG > IV-Luna
Ako bilang Impulsive Buyer....
ReplyDeleteAng karanasan ko bilang isang Impulsive Buyer ay noong bumili ako ng isang bagay na sobrang nagustuhan ko sa isang kilalang mall sa Quezon City. Dahil naging desperado ako na mabili iyon ay naubos ko ang naipon ko sa loob ng isang buwan at agad ko itong binili sa halip na ibili ko ito ng bagay na matagal ko nang pinag-ipunan.....
Kinalaunan ay pinagsawaan ko rin ito at nasira dahil napabayaan. Doon ko lang napagtanto na nadala ako ng aking masidhing kagustuhan noong mga panahong iyon kaya naubos ang ipon ko at hindi ko naman lubos na napakinabangan ang bagay na iyon.
Nararapat na maging isang matalinong konsyumer tayo nang sa gayon ay hindi natin pagsisihan ang mga bagay na bibilhin natin. Dapat nating isiping mabuti ang mga maaaring mangyari sa ating kapakanan at pati na rin sa ating kapaligiran tulad ng pagbara ng mga estero't kanal dahil sa dami ng basurang plastik na itinatapon na lamang sa kung saan-saan. Ang malabis na paggamit ng mga kagamitang may CFC's (chloroflourocarbons) na siyang sumisira ng ozone layer. Hamlimbawa na lamang nito ay ang Refrigerator,dryer, spraynet at iba pa.
Dapat maging mapanuri at maalam nang sa gayon ay hindi tayo magsisi sa huli.
Ang sabi nga, "Di na uso ang MANGMANG, lamang ang may ALAM!"
Leif Gerald Del Rosario Bajar
IV-Rizal
AKO BILANG IMPULSIVE BUYER!
ReplyDeleteang karanasan ko bilang impulsive buyer ay yung bumili ako ng damit sa isang store. aaminin ko mahilig talaga ako sa damit. sakto dala ko yung pera pinag ipunan ko kaso kulang kaya humingi ako kila mama at tito kaya nagkaroon na ako ng pagkakataon na bumili. nang nabili ko na, bigla kong naalala na yung perang pinag ipunan ko ay para sa workbook ko pala. kaya ang resulta nahirapan ako na bumili ng workbook.
batay sa karanasan ko wala sa akin ang matalino at marunong na pagpali at pagbili ng produkt. kaya dpat unahin natin ang dapt unahin kasi d natin alam na mamaya o bukas wala na tayong pera pra tustusan ang mga pangunahing pangangailangan
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAKO BILANG IMPULSIVE BUYER!
DeleteAko'y naging impulsive buyer na rin. Mahilig ako sa mga headphones kaya't pag may bagong labas ay sinisigurado kong mayroon ako. Birthday ko noong mangyaring gumastos ako ng sobra ng dahil lang sa headphones. Binigyan ako ng papa ko ng P500 pambili sana ng damit ko, pero ang ginawa ko ay bumili ako ng headphones worth P750. Pati yung ipon ko para sana sa pag-uwi ko ng probinsya ay nagastos ko na. Isang linggo nlang at aalis na para sa pag-uwi nmin, nang tinanong ako ng papa ko kung naka-ipon ba ako at dadagdagan nlang nya. Wala akong nailabas na pera kaya ang nangyari di ako naka-uwi ng probinsya para dumalaw sa lolo't lola ko . At sa di ko malaman kung kailan di ako naka-uwi ng probinsya saka pa nawala ang lola ko.
Sa nangyari sakin ang natutunan ko ay ang magpigil sa temptasyon ng luho ko. Dahil maraming nawala ng dahil lang sa simpleng di pag-iisip ng matalino sa bawat desisyon na ginawa ko. Pumasok tuloy sa isip ko ang panghihinayang at konsensya. Kaya dapat nating gawin ay pag-isipan ng mabuti ang bawat desisyong isasagawa , dahil di natin alam ang mga bagay na maaaring mangyari kung ipagpapatuloy natin ang pagiging Impulsive Buyer.
Kimberly Rose Fernandez
IV-BONIFACIO
Impulsive Buyer Ako!
ReplyDeleteTulad din ng ibang tao, mapapatunayan kong isa rin akong "impulsive buyer". Mahilig kasi ako dati sa mga bagay lalo na kung ito ay uso sa panahong iyon. Madali rin akong maenganyo sa mga produktong iniendorso ng mga artista. Malaki ang naging epekto nito sa aking sarili, tulad na lang ng pagiging tamad ko sa pag-iipon ng pera. Kung malaki ang epekto nito sa aking sarili, syempre mas malaki ang masamang epekto nito sa kapaligiran. Mas dumadami ang mga basura sa ating paligid at padagdag ng padagdag ang polusyon sa ating kapaligiran.
Kaya ako ngayon, kinontrol ko na ang aking sarili na maging "impulsive buyer" at tinuruan ko ang sarili kong maging matalinong konsyumer. Kaya kayong mga mamamayan lalo na ang mga kabataan, tayo'y maging matalinong konsyumer imbis na maging "impulsive buyer".
Sa panahon ngayon kaliwa't kanan na ang paglaganap ng kung anu-anung produkto taon-taon at depende sa panahon. Tulad ng pagkain, damit at mga gadget. Bilang kabataan masaya ako kung ang lahat ng ito ay mayroon ako. At dito pumasok ang pagka-impulsive buyer ko . Sapagkat hindi ko alintana ang presyo basta gusto ang isang produkto. Kahit wala akong pera gagawa at gagawa ako ng paraan mabili lang ang isang bagay na gusto ko. May mga pagkakataon pa nga na iniiyakan ko talaga ang isang bagay pag hindi ko nabibili o hindi kaya mag iipon ako, kahit na hindi ako kumain.
ReplyDeletePero sa kabila ng mga luho ko napagtanto ko na ang mga ito ay walang mabuting naidudulot sa akin kundi kasamaan, sapagkat hindi ko iniisip na MAY MAS MAHALAGA pa palang mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin o unahin kesa sa mga luho ko.
By: Joy Emarie Vidal
IV-Bonifacio
Impulsive buyer...
ReplyDeleteIto yung mga hindi pinaplano ang kanilang mga bibilhin. Ito ung basta basta na lang bumibili ng kanilang kagustuhan. Yung mga walang maayos na pagbubudget. Kaya ang bunga nito ay ang pagkaubos ng kita o ipon.
Ako bilang isang impulsive buyer, binibili ko ang lahat ng gusto ko partikular na sa pagkain. Dahil sa marami akong ipon, ginagastos ko ito lahat at hindi ko na tinitingnan ang presyo. Kaya, nauubos ito ng hindi ko namamalayan at hindi ko na nabibili ang mga kailangan na kailangan ko.
Iyon ang natutunan ko sa pagiging impulsive buyer. Na kapag malaki ang kita o ipon mo. Unahin mo muna ang pangangailangan mo nang sa gayon, hindi ka magsisi sa huli.
By: Paula Dichoso
IV-Rizal
Ako bilang isang Impulsive buyer....
ReplyDeleteNoong ako ay nasa ikalawang taon pa lamang, mahilig akong bumili ng mga bagay-bagay na biglaan ko lamang natitipuhan at kahit hindi importante ay bibilhin ko dahil lang sa na kyutan ako at minsan ay hindi pa ako nakakakain dahil nauubos ang pera ko sa pagbili ng kung anu-ano, at dahil doon nakakaranas ako ng pananakit ng tiyan hanggang, at dahil din doon ay kung minsan ay nauubusan ako ng pera para ipamasahe pauwi,
Kaya mula noon, sinabi ko sa sarili ko na pipiliin ko na lang ang mga bibilhin ko...
By: Wendy Rose G. Navarra
IV-BONIFACIO
Karansan ko bilang Impulsive Buyer !
ReplyDeleteAko ay binigyan ng allowance para sa isang linggo ngunit ito ay nagastos ko sa isang araw lamang sapagkat kami ay gumala :) hindi ko inisip ang maaring mangyari ng ito ay aking ginastos kaya naubos ang aking pera . pinangkain namin ito at binili ng ibat iobang bagay na hindi namin iniisip kung kami ba ay makikinabang nito ..
kaya napag isip isip ko at natuto na ako mag budget ng aking pera at gastusin ito sa tamang paraan o para sa pangunahing pangangailangan !
KathLin Medrano
IV-Bonifacio :)